Wednesday, July 14, 2010

Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo

Tingnan natin at pag nilayan ang larawan ng ating Mahal na Ina ng Bundok Carmelo. Ano ang ating napapansin?

Una nating tingnan ang iskapularyo. Marami sa ating mga deboto ng Mahal na Birhen ang nakusuot ng iskapularyo na may nakasulat na pangako “Whosoever dies clothed in this scapular shall not suffer eternal fire.” Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng iskapularyo?

Una, ang iskapularyo lamang ay hindi magbibigay sa iyo ng kaligtasan. Ito ay isang uri lamang ng representasyon ng isang banal na gawain. Ang pagkakaroon ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo. Ito ay isang simbolismo ng pagkilala kay Maria bilang ating Ina.

Ikalawa, Ito ay isang daan ng mga biyaya mula sa Diyos. Hindi lamang sa pagsusuot ng iskapularyo natatapos ang iyong debosyon sa mahal na Birhen bagkus ito ay dapat samahan ng panalangin at pagnanasang mamuhay katulad ni Maria na may kapakumbabaan.

Ikatlo, ang iskapularyo ay simbulo na ikaw ay kabilang sa isang samahan, ikaw ay miyembro ng pamilya ng Mahal na Birhen. Sa pamamagitan ng kanyang mga panalangin, ikaw ay patuloy na makakatanggap ng biyaya mula sa Diyos hanggang sa oras ng iyong kamatayan.

Tingnan natin ang ating mahal na Ina, hawak niya si Hesus. Ito ay nagpapahayag sa atin na sa pagkakaroon ng debosyon sa Mahal na Birhen, Si Hesus ay inilalapit niya sa atin at tayo inilalapit nya sa Diyos.


May the scapular remind us always that God is near and we have a caring mother who is always there ready to lead us to Jesus, her Son and our Lord. Our Lady of Mount Carmel, pray for us!

Forgive

Why we should learn how to forgive? Simply because as the prayer of St. Francis of Assisi says, “It is in pardoning that we are pardoned.”

Sa pagpapatawad natin natatamo ang kapatawaran. Sa pagpapatawad din umuusbong ang talong P na naglalapit sa atin sa Panginoon:

Payapang kalooban: sa mapayapang kalooban nananaig sa atin ang kaligayahan.

Pagkakaisa: Sa pagkakaisa, ang mga bagay na mahihirap ay nagiging madali; ang mga imposible ay nagiging posible. Sa pagkakaisa rin, natutulungan natin ang bawat isa na mapalapit sa Diyos.

Panibagong buhay: sa pagpapatawad tayo ay nakakatamo ng panibagong buhay, buhay na walang pag-aalinlangan dahil ang pinagmumulan nito ay ang pananalig natin sa Poong Maykapal.

Sa pagpapatawad, hindi lang tayo ang nagkakamit nga panibagong buhay bagkus ang taong pinatawad natin ay nabibigyan ng pag-asa at nagkakaroon ng pagkakataong magbagong buhay. Sila ay nagkakaroon ng buhay at matibay na pananalig sa ating Panginoon.

Kaibigan, tara magpatawad tayo!

Nawa’y matutuhan nating magpatawad upang tayo’y mapatawad at upang makamit natin ang kapayapaan ng kalooban sa piling ng Poon Maykapal.